14℃
Beijing

Malawakang kilos-protesta, isinagawa sa maraming lugar ng Myanmar

2021-02-08 14:03:05  CMG
Share with:

Ilang malawakang kilos-protesta ang isinagawa nitong Linggo, Pebrero 7 (local time), 2021 sa iba’t-ibang lugar ng Myanmar.  

 

Dala-dala ng mga demonstrador ang mga karatula kung saan nakasulat ang mga katagang “karapatan ng mga mamamayan,” “hangarin ng mga mamamayan,” “pagtutol sa pagsamsam sa kapangyarihan ng panig militar,” at “pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi.”

 

Sa kabila ng mga kilos-protesta, walang nai-ulat na karahasan sa pagitan ng mga pulis/militar at mga demonstrador.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method