Mga katibayan tungkol sa kapayapaan at kaunlaran sa Xinjiang, ipinakita

2021-02-23 11:13:45  CMG
Share with:

Natamo ng Xinjiang ang malaking pag-unlad, at nakikinabang dito ang lahat ng mga lokal na residente. Ito ay mensahe mula sa pandaigdigang online na pulong na pinamagatang "Mas Mabuting Pamumuhay para sa Lahat," na idinaos kahapon, Lunes, ika-22 ng Pebrero 2021, sa Urumqi, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina.

 

Sa pamamagitan ng video link, lumahok sa pulong ang mahigit 300 kinatawan mula sa mahigit 80 bansa ng daigdig.

 

Sinabi sa pulong ni Song Tao, Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na ang pagpapakita ng mga totoong impormasyon tungkol sa kapayapaan at mabilis na pag-unlad sa Xinjiang ay makakatulong para malaman ng mas maraming tao ang mga katotohanan tungkol sa lugar na ito, at mapawi ang mga kasinungalingan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method