14℃
Beijing

Presidente ng CMG at mga dayuhang kaibigan, nagpalitan ng pagbati para sa Mid-Autumn Festival

2021-09-20 15:33:48  CMG
Share with:

Kugnay ng pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival, nagpalitan ng mga mensaheng pambati kamakailan sina Presidente Shen Haixiong ng China Media Group (CMG) at mga dayuhang kaibigan.

 

Kabilang sa naturang mga personahe ay sina Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee, Direktor Heneral Audrey Azoulay ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), mga embahador ng ibang bansa sa Tsina, at mga namamahalang tauhan ng dayuhang media.

 

Sinabi ni Shen, na ang Mid-Autumn Festival ay mahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina para sa pagtitipun-tipon ng pamilya.

 

Naniniwala aniya ang mga Tsino, na ang maligayang pamilya ay makakatulong sa katahimikan ng bansa at harmonya ng daigdig.

 

Hinggil dito, nanawagan siya sa iba't-ibang panig, na magkakasamang magsikap para itatag ang mapayapa, makatarungan, at masaganang mundo, at pasulungin ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Koment( Komento)

Please select the login method