Tsina: Magkakasamang pag-boykot sa aksyong kontra demokrasya at pekeng demokrasya

2021-12-01 04:46:53  CMG
Share with:

Sa isang regular na preskon, ipinahayag kahapon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagtatapos ng Cold War, samantala, pinaplano ng Amerika na idaos ang Summit para sa Demokarasya sa darating na Disyembre. Bilang tugon, nanawagan si Wang sa komunidad ng daigdig na magkakasamang boykotin ang aksyong kontra demokrasya at pekeng demokrasya, magkakasamang pangalagaan ang pagkakaisa at kooperasyon at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
 

Tinukoy ni Wang na ayon sa isang survey, 44% ng mga respondents sa buong mundo ang naniniwala na ang Amerika ay pinakamalaking banta sa demokrasya, pero, patuloy na sinasamantala ng Amerika ang demokrasya bilang katuwiran para makialam sa mga suliraning panloob at lapastanganin ang soberanya ng ibang bansa. Labag ito ani Wang sa  pundamental na prinsipyo ng  relasyong pandaigdig.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method