|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pag-aalay ng mga miyembro ng Gabineteng Hapones ng sakripisyo sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang mga Class-A war criminal ng World War II, nagpahayag ngayong araw ang panig Tsino ng matinding pagtutol at pagkondena hinggil dito.
Ayon kay Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na madaliang pinatawag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin si Kitera Masato, Embahador na Hapones, para iharap ang solemnang representasyon hinggil dito.
Sinabi ni Hong na ang isyu ng Yasukuni Shrine ay pundasyon ng tamang pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan ng pananalakay sa mga karatig na bansa at paggalang nito sa damdamin ng mga sinalakay na mamamayan. Ito aniya ang pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Hapones.
Dagdag pa ni Hong, ang pag-aalay ng mga opisyal Hapones ng sakripisyo sa Yasukuni Shrine, sa anumang porma, ay naglalayong pabulaanan at susugan ang nabanggit na kasaysayan ng pananalakay ng Hapon sa ibang mga bansa at hamunin ang kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II. Sigurado aniyang matindi itong tututulan at kokondenahin ng komunidad ng daigdig.
Hinimok ni Hong ang panig Hapones na matatag na sundin ang pangako nito na pagsisihan nang lubos ang kasaysayan nito noong World War II at gumawa ng aktuwal na aksyon para tanggapin ang paniniwala ng komunidad ng daigdig. Kung hindi, sinabi ni Hong na walang kinabukasan ang relasyon ng Hapon at mga karatig na bansang Asyano.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |