|
||||||||
|
||
ayg20130820
|
Tinambakan ng Pilipinas ang Maldives 21-10
Wala pa ring bahid ng pagkatalo ang Basketball Team ng Pilipinas sa Nanjing Asian Youth Games. Ang mga Pinoy dribblers ay may 3 panalo sa Group C. Sa huling laban nito, tinambakan ng Pilipinas ang Maldives 21-10.
Si Coach Nic Jorge ng Basketball Team ng Pilipinas sa AYG
Susunod na makakalaban ng Pinoy triad ang Iran. Kahit matatangkad ang mga players ng Iran malakas ang kumpyansa ni Coach Nic Jorge.
"I think we have a very good chance of winning because 3 on 3 is a very different game than 5 on 5. Dito di masyado kailangan ang teamwork kailangan dito yung wit, yung isip ng mga individual player. We have Go as our 6 "7 rebounder, we have our shooters. So maganda ang laban sa Iran."
Tinambakan ng Pilipinas ang Maldives 21-10
Isang malaking hamon para team na binubuo nila George Go, Patrick Ramirez at Andrei Caracut ang kawalan ng substitute player. Kaya dapat nilang iwasan ang foul.
"They are physically fit, nagpra-praktis naman sila ng husto kondisyon, yung nga foul lang. Pag na foul trouble tayo mahihirapan tayo. But pagmaganda ang shooting natin, tingnan mo ang Bangladesh 1 point lang ang tinalo sa Iran. Malaki lang sila with our outside shooting we can make it."
Gaganapin ang laban ng Pilipinas at Iran sa Miyerkules sa Wutaishan Basketball Court.
ISKOR
PILIPINAS 21
GO George Isaac 12
RAMIREZ Patrick 6
CARACUT Joshua Andrei 3
MALDIVES 10
ABDULLA Mohamed Firunas 1
RASHEED Rishfaan 2
HASHIM Zaidhan Mohamed 6
LIYAU Abdulla 1
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |