|
||||||||
|
||
Kaugnay ng nakatakdang pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-8 Summit ng G20 na idaraos sa Saint Petersburg ng Rusya mula ika-5 hanggang ika-6 ng Setyembre, ipinahayag ngayong araw ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na ipapakita ng mga kalahok na miyembro ang kooperatibo at mapagkaibigang diwa para sa mabisang pagkoordina ng kani-kanilang patakarang pangkabuhayan.
Umaasa rin aniya siyang mapapahigpit ang nagkakaisang posisyon ng mga kasapi ng G20 at igagalang ang kani-kanilang lehitimong kapakanan.
Bukod dito, inilahad ni Li ang mga paninindigang Tsino sa mga isyung gaya ng pandaigdigang sistemang pinansiyal, kapaligirang pangkalakalan, at pag-unlad ng buong daigdig.
Sa isyu ng pandaigdigang sistemang pinansiyal, sinabi ni Li na umaasa ang panig Tsino na maisasakatuparan ang reporma sa quota ng International Monetary Fund para maragdagan ang karapatan ng mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa.
Sa isyu ng kapaligirang pangkalalalan, sinabi niyang nais makita ng panig Tsino na malikha ang isang malaya, bukas, patas at makatarungang kapaligiran ng kalakalang pandaigdig.
Sa isyu ng pag-unlad ng buong daigdig, binigyang-diin niyang inaasahan ng panig Tsino na buong sikap na masusuportahan ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |