Binuksan kahapon ang Ikawalong Summit ng G20 sa Saint Petersburg, Rusya. Bago ang summit, nakipag-usap sa VIP room si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon.
Binigyang-diin ng Pangulong Tsino na dapat tumpak na malutas ng Hapon ang mga isyung pangkasaysayan, kabilang ang isyu ng Diaoyu Islands, batay sa katotohanang pangkasaysayan at pangmalayuang pananaw. Aniya, ito ay makakatulong sa maayos na paglutas sa mga di-malutas-lutas na isyu ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Shinzo Abe na pinananabikan niya ang pagbuti ng relasyong Sino-Hapones.