|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang counterpart na si Emomali Rakhmonov ng Tajikistan.
Nagpahayag si Xi ng pag-asang ibayo pang mapapasulong ng dalawang bansa ang kooperasyon sa enerhiya, pagmimina, agrikultura, transportasyon at imprastruktura.
Ipinanayag naman ni Rakhmonov na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan.
Sumang-ayon din sila na magkasamang bigyang-dagok ang terorismo, ekstrimismo, at separatismo para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong panghanggahan ng dalawang panig.
Bukod dito, pahihigpitin din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Shanghai Cooperation Organization.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |