Sa kanilang pagtatagpo kahapon sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, kapwa ipinahayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ng kanyang counterpart na si Tsakhya Elbegdorg ng Mongolia na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang kooperasyon sa pagmimina, imprastruktura, at kalakalan.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na isagawa ang nabanggit na kooperasyon sa Mongolia batay sa prinsipyo ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Sinabi naman ni Elbegdorg na nakahanda ang kaniyang bansa na lumikha ng magandang kapaligiran para sa kooperasyon ng dalawang panig.
Bukod dito, nakahanda rin ang dalawang panig na pahigpitin ang kanilang kooperasyon at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Ernest