Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag hinggil sa paghaharap ni Ministrong Panlabas Fumio Kishida ng Hapon ng isyung panseguridad sa dagat sa di-pormal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Soberanong Bansa sa Aisa-Pacific Economic Cooperation (APEC), sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa mahabang panahon, hindi umiiral ang anumang problema sa kalayaan at seguridad ng paglalayag sa rehiyong ito. Sa mula't mula pa'y naninindigan na aniya ang pamahalaang Tsino na dapat igarantiya ang seguridad ng iba't-ibang bansa sa dagat, at aktibo aniyang nakikilahok ang Tsina sa kooperasyong panseguridad sa dagat sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng