Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa Taiwan. Umaasa aniya siyang makakagawa ang panig Amerikano ng mga aktuwal na aksyon para mapangalagaan ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano at makatigan ang mayapaang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Winika ito ni Hong sa isang news briefing nang tanungin ng mga mamamahayag ang hinggil sa pagbebenta ng Amerika ng mga "Apache" helicopter gunships sa Taiwan.
Hiniling ni Hong sa panig Amerikano na sundin ang patakarang isang Tsina at mga prinsipyo ng tatlong magkasanig na komunike ng dalawang panig.
Salin: Ernest