Sinabi kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na dapat agad at walang pasubaling itigil ang putukan ng Israel at Palestina.
Sa bukas na pagtalakay ng UN Security Council, nanawagan si Liu sa komunidad ng daigdig na magkaloob ng mas maraming makataong tulong sa Gaza Strip.
Sinabi ni Liu na palagiang iginigiit ng panig Tsino na dapat isakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan ng Israel at Palestina sa pamamagitan ng talastasang pangkapayapaan. Ito rin aniya ay ang tanging paraan para lutasin ng isyu ng Palestina.
Samantala, ipinahayag kahapon sa Cairo, kabisera ng Ehipto, ni Wu Sike, Espesyal na Sugo ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan, ang pagkabahala sa kasalukuyang sagupaan sa pagitan ng Israel at Palestina. Sinabi niya na kinondena ng panig Tsino ang lahat ng mga aksyon na nakatuon sa mga sibilyan at kinakatigan ang anumang pagsisikap para isakatuparan ang tigil-putukan ng naturang dalawang panig.
Salin: Ernest