Sinimulan kahapon sa Beijing ang 2014 Economic Leaders' Week ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Sa kasalukuyang mga pulong, isang pokus ang isyung may kinalaman sa rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan na pagpapasulong ng konstruksyon ng Free Trade Area ng Asya-Pasipiko (FTAAP).
Isinalaysay ng mga tagapag-analisang Tsino na ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan ay unang iniharap noong 1994 sa pulong ng mga lider ng APEC sa Bogor, Indonesya, muling tinalakay ang isyung ito at iniharap ang konstruksyon ng Free Trade Area ng Asya-Pasipiko noong 2010 sa pulong ng mga lider ng APEC sa Yokohama, Hapon, at sa kasalukuyan sa Beijing, pasusulungin ang pagtamo ng substansyal na progreso ng konstruksyon ng free trade area na ito.
Sinabi rin ng mga tagapag-analisa na sa kasalukuyan sa Asya-Pasipiko, umiiral ang ilang free trade area at ang kalagayang ito ay mababa sa episiyensiya, at hindi makakatulong sa integrasyong pangkabuhayan ng buong rehiyon. Kinakaharap din anila ng mga kasapi ng APEC ang pagbagal ng paglaki ng kabuhayan at kalakalan. Ipinalalagay nilang sa background na ito, kailangang kailangan ang isang nagkakaisang free trade area sa buong Asya-Pasipiko, at ang konstruksyon ng FTAAP ay hindi na dapat patagalin.
Salin: Liu Kai