Kaugnay ng pagpapalabas ng Tsina ng dokumentong nagpapaliwanag ng posisyon nito sa arbitrasyong iniharap ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea, sinabi kahapon ni Xu Hong, Puno ng Department of Treaty and Law ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ng Tsina ay hindi sagot sa naturang arbitration case, at hindi ito nangangahulugang tinatanggap o lumalahok ang Tsina sa kasong ito.
Sinabi ni Xu na ang pagpapalabas ng Tsina ng nabanggit na dokumento ay para magpaliwanag ng palagay at katibayang walang hurisdiksyon ang Arbitral Tribunal sa kasong may kinalaman sa South China Sea. Ito aniya ay isang aksyon alinsunod sa pandaigdig na batas.
Dagdag pa ni Xu, nakahanda ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na isagawa ang talastasan, para lutasin ang hidwaan sa isyu ng South China Sea, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Salin: Liu Kai