Kahapon ay deadline ng paghaharap ng Tsina ng alegasyon sa International Tribunal on the Law of the Sea tungkol sa arbitration ng South China Sea(SCS). Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang maliwanag at di-nagbabagong paninindigan ng Tsina ay igalang ang katotohanan at pandaigdig na batas, at malutas ang hidwaan sa pamamagitan ng talastasan.
Noong ika-7 ng buwang ito, ipinalabas ng Tsina ang "Position Paper" hinggil sa arbitration ng South China Sea. Anito, hindi tatanggapin ng Tsina ang resulta ng arbitrasyon at hindi rin ito lalahok sa prosesyong ito, at walang karapatan ang arbitration tribunal na pangasiwaan ang isyu ng SCS.
salin:wle