Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

160 patay at 13 nawawala sa pagsabog sa Tianjin; pagsasayos sa sentro pagsabog, nasa huling yugto

(GMT+08:00) 2015-09-05 15:49:47       CRI

Ang ika-4 ng buwang ito ay ika-24 araw sapul nang maganap ang pagsabog ng imbakan sa Tianjin, siyudad sa baybaying-dagat sa dakong hilga ng Tsina. Nakaimbak sa pasilidad ang mga delikadong kemikal. Hanggang alas-tres (3:00) kahapon ng hapon, 160 ang kumpirmadong namatay sa trahedya. Nakilala ang lahat ng mga nasawi. Nawawala pa rin ang 13 iba pa.

Sa kasalukuyan, inalis na ang mga nasirang kotse, container at paninda sa sentro ng pagsabog. Inilabas din ang kontaminadong tubig at lupa para isaayos.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsusuri sa kalidad ng lupa, tubig at hangin sa Tianjin.

Noong gabi ng ika-12 ng nagdaang Agosto, dalawang malakas na pagsabog sa imbakan ng mga delikadong kemikal na kinabibilangan ng humigit-kumulang 700 toneladang sodium cyanide ang yumanig sa Tianjin.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>