Sa ika-14 na Lanting Forum na idinaos ng Ministring Panlabas ng Tsina, ipinahayag ngayong araw ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang Nansha Islands ay teritoryo ng Tsina, at may sapat na batayang historikal at pambatas ang Tsina tungkol dito. Aniya, ang pangangalaga ng Tsina sa soberanya ng sariling teritoryo, at pagpigil sa paglapastangan sa sariling lehitimong karapatan at kapakanan ng bansa, ay makatuwiran.
Idinagdag pa ni Wang na ang pagsasagawa ng Tsina ng kinakailangang konstruksyon sa mga sariling isla sa South China Sea (SCS) ay naglalayong pabutihin ang kondisyon ng pagtatalaga, at pataasin ang kakayahan ng pagtatalaga, sa halip ng pagtuon sa ibang panig. Tinutupad din aniya ng Tsina ang obligasyong pandaigdig na dapat isabalikat bilang pinakamalaking bansa sa kahabaan ng SCS.
Salin: Li Feng