|
||||||||
|
||
TINIYAK ni Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Abaya na ipagsasakdal ang lahat ng nasa likod ng paglalagay ng bala sa mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport.
Sa isang press conference, tiniyak ng kalihim na ang mga balita hinggil sa pagtatanim ng mga bala sa mga bagahe ng mga pasahero ay sisiyasating mabuti at hindi papayagang magpatuloy.
Bagaman, sinabi niya na ang ilang mga baling natagpuan sa mga bagahe ay lehitimo sapagkat inaanim ng mga nahuhulihan na ginagamit nila itong anting-anting.
Sinabi rin ni Kalihim Abaya na mayroong ilang mga pagkakataon na ang mga insidente ay nag-uugat sa pangingikil ng ilang mga tiwaling tauhan.
Mayroon nang usaping inihain laban sa dalawang airport security personnel na diumano'y sangkot sa pangingikil sa mga taong nakunan ng bala. Ang mga mapapatunayang nagkasala ay posibleng mabilanggo ng habangbuhay.
Naganap lamang na lubhang lumaki ang isyu, dagdag pa niya. Ipinaliwanag niyang bumaba na nga ang bilang ng mga insidente mula noong 2012. Ayon sa kanilang datos, umabot sa 1,214 na kaso ng mga balang natagpuan sa mga kargamento ng mga pasahero noong 2012, umabot sa 2,184 noong 2013, 1,813 noong 2014 at 1,394 ngayong 2015.
Naglagay na umano sila ng dagdag na closed circuit television cameras upang bantayan ang baggage screening mula kamakalawa o noong Lunes. Upang maiwasan ang pagtatanim ng bala ng mga tauhan ng paliparan at iba pang insidente, sinabi ni Administrator Roland Recomono ng Office of Transportation Security na ipinatutupad na ang "No Touch Policy" mula noong Setyembre.
Samantalang isinasagawa ang pagsisiyasat, nanawagan naman si Kalihim Abaya na huwag namang laitin ang mga tauhan ng paliparan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |