Muling nagtagpo kaninang umaga sa Hanoi, Biyetnam, sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng Estado, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Xi ang kasiyahan sa kanyang biyahe sa Biyetnam, kung saan aniya narating, kasama ng mga lider na Biyetnames, ang mga komong palagay hinggil sa ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi niyang dapat palalimin ng mga partido at estado ng Tsina at Biyetnam ang tradisyonal na pagkakaibigan, palakasin ang kooperasyon, at palawakin ang pagpapalitang pangkultura. Ito aniya ay para pabutihin ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at palakasin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership na Sino-Biyetnames.
Ipinahayag naman ni Nguyen na lubos na pinahahalagahan ng kanyang partido ang pagpapalakas ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa panig Tsino. Nakahanda rin aniya itong mag-ambag para pahigpitin ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai