KASUNOD ng malagim na pananalakay ng mga terorista sa Paris noong Biyernes ng gabi, Sabado ng umaga sa Pilipinas, pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Francia ang mga mamamayang naroroon at mga nagbabalak na dumalaw, na magbantay sa pinakahuling mga balita, lalo't higit ang mga payong mula sa pamahalaan ng Francia.
Kailangang maging mapagbantay at maingat at nakababatid ng nagaganap sa kanilang paligid upang manatiling ligtas. Nagbukas ang mga Pranses ng special telephone lines para sa mga pamilya ng mga biktima na mangangailangan ng tulong. Ito ay 0800 406005. Ang website ng French Minister of Interior ay www.interieur.gouv.fr na naglalaman ng impormasyon sa mga naganap at mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan.
Makakatawag din ang mga Pilipino sa embahada sa pamamagitan ng numerong 0620592515.