|
||||||||
|
||
BUKOD sa pakikiramay sa mga naging biktima ng terorismo sa Paris noong nakalipas na Biyernes, nanawagan ang mga ministro ng APEC economies na magkaroon ng katarungan at papanagutin ang may kagagawan nito.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario sa isang media briefing kanina sa International Press Center.
Bagaman, niliwanag ni Secretary del Rosario na walang ginawang pahayag ang APEC bilang isang grupo subalit ang lahat ay nagkakaisa sa pakikiramay at pagkondena sa karumal-dumal na pamamaslang.
Sa tanong ng mamamahayag kung pinag-usapan ng mga ministro ang mga isyung bumabalot sa South China Sea, niliwanag ni Secretary del Rosario na walang anumang napag-usapan.
Ipinagpasalamat din ni G. del Rosario ang pagdating ni Pangulong Xi Jinping kanina. Masaya ang bansa sa pagdating ni Pangulong Xi, ayon kay G. del Rosario at naniniwala siya na pinarangalan ni Pangulong Xi ang kanilang paanyaya.
Nangako rin ang Pilipinas na magiging mabuting punong-abala sa APEC 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |