Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang kinatagpo sa Beijing, kahapon, Enero 27, 2016 ang mga mamamahayag nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at John Kerry, dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Amerika.
Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Wang Yi na walang duda ang soberanya ng Tsina sa mga isla sa South China Sea at may karapatan din itong pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at lehitimong interes sa karagatan. Samantala, buong lakas na pangangalagaan aniya ng Tsina ang katatagan sa nasabing karagatan, at inaasahang malulutas ang mga alitan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Ipinahayag din ni Wang ang pag-asang ipagpapatuloy ng Amerika ang rasyonal at makatuwirang atityud sa isyu ng South China Sea. Dagdag pa ni Wang, inaasahang isasagawa ng Tsina at Amerika ang konstruktibong pamamahala at pagkontrol sa mga sensitibo at masusing isyu, para pangalagaan ang matatag na pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano.