Sa kumperensiya na idinaos kamakailan ng Liga ng mga bansang Aprikano(AU), ipinahayag ng mga kalahok ang pag-asang bibigyan ng komunidad ng daigdig ang mga bansang Aprikano ng pangkagipitang tulong para mapahupa ang masamang epekto ng El-Nino Phenomenon.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Abril 7, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Summit ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika na idinaos sa Johannesburg, Timog Aprika, noong Disyembre, 2015 ang pagbibigay ng pagkaing-butil na nagkakahalaga ng 1 bilyong RMB. Aniya, kasalukuyang ipinapatupad ng Tsina ang nasabing plano, batay sa aktuwal na kalagayan sa Aprika.
Ani Lu, kasabay ng pagsasagawa ng nasabing plano, nagbibigay-tulong din ang Tsina sa Aprika sa pagpapa-unlad ng produksyong agrikultural, at pagtatatag ng ligtas na sistema ng pagpoprodyus ng pagkaing-butil, para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng Aprika.