Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina, nakipag-usap sa Ministrong Panlabas ng Rusya

(GMT+08:00) 2016-04-29 09:46:05       CRI

Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing nitong Huwebes, Abril 28, 2016 kay Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Pangulong Vladimir Putin, at paghihintay sa nakatakdang pagdalaw ni Putin sa Tsina, sa kasalukuyang taon. Tinukoy ni Pangulong Xi na ang taong 2016 ay hindi lamang ika-15 anibersaryo ng pagkakalagda ng "Tratado sa Mapagkaibigang Pagtutulungang Pangkapitbansa ng Tsina at Rusya," kundi ika-20 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng koordinasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya ang Tsina na ipagpapatuloy, kasama ng Rusya ang ideya ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa hene-henerasyon para mapatibay ang pundasyong pampulitika at panlipunan.

Ipinaabot naman ni Sergei Lavrov ang pagbati ni Pangulong Putin kay Pangulong Xi. Sinabi ni Lavrov na nananabik si Putin na dumalaw sa Tsina. Ipinahayag ni Lavrov na nakahanda ang Rusya, kasama ng Tsina para ibayong mapalalim ang estratehikong partnership ng koordinasyon sa ibat-ibang larangan at mapahigpit ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, sa balangkas ng Shanghai Cooperation Organization at United Nations.

Si Lavrov ay nasa Beijing para sa ika-5 pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia(CICA).

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>