Kaugnay ng nakatakdang pagdaraos ng Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, nitong Lunes, Hunyo 14, 2016 sa Yunnan, Tsina, ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, at totohanang pagpapatupad sa "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea" (DOC).
Sinabi ni Lu na bilang preparasyon ng summit para gunitain ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, na nakatakdang idaos sa darating na Setyembre, 2016, ang nasabing espesyal na pulong ay para lagumin ang karanasan sa 25 taong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at tiyakin ang magiging anyo ng pagtutulungan ng dalawang panig sa hinaharap.