"Positibo ang Tsina sa pahayag mula sa Rusya hinggil sa isyu ng South China Sea." Ito ang ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 13, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag Abril 12, 2016 ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya sa isang magkasanib na preskong idinaos para sa mga mamamahayag mula sa Rusya, Tsina, Hapon at Mongolia hinggil sa kanyang nakatakdang biyahe sa Asya na suportado ng Rusya ang patuloy na pagsisikap ng mga may-direktang kinalamang bansa sa isyu ng South China Sea para malutas ang isyu sa pamamagitan ng paraang pulitikal at diplomatiko. Aniya, dapat itakwil ng mga ibang panig ang pakiki-alam sa isyung ito.
Ipinahayag ni Lu Kang na alinmang panig na taos-pusong nagmamalasalat sa katatagan ng South China Sea ay dapat sumuporta sa mapayapang paglutas sa isyung ito, batay sa pandaigdigang regulasyon at mga may-kinalamang kasunduan na gaya ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea(DOC).