"Walang tigil na nakikialam ang Amerika sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, sa pamamagitan ng umano'y problema ng karapatang pantao." Ito ang ipinahayag nitong Huwebes, Abril 14, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa muling pagbatikos sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina mula sa Country Reports on Human Rights 2015, na isinapubliko Abril 13, 2016 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika.
Sinabi ni Lu na positibo ang Tsina sa pagpapasulong ng karapatang pantao. Aniya, nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, walang tigil na umuunlad ang karapatang pantao ng bansa. Ito aniya'y katanggap-tanggap para sa komunidad ng daigdig.
Ani Lu, alam na alam ng buong daigdig, na ang kalagayan ng karapatang pantao ay isang prosesong unti-unting napapabuti. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ibang bansa para ibayo pang palalimin ang pagpapalitan sa larangan ng karapatang pantao, batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at paggagalangan. Ito aniya pa, ay para isakatuparan ang magkakasamang pagpapasulong sa usaping ito.