Ipinahayag nitong Martes, Hunyo 14, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinahahalagahan at pinasasalamatan ng Tsina ang suporta mula sa komunidad ng daigdig tungkol sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea(SCS). Samantala, binibigyang-payo rin ni Lu ang ilang bansa na huwag papangitin ang imahe ng Tsina sa naturang isyu, sa pamamagitan ng pagkakalat ng kasinungalingan laban sa Tsina.
Sinabi ni Lu na sa mula't mula pa, positibo ang Tsina sa maayos na paglutas sa isyu ng SCS sa pagitan ng mga direktang may-kinalamang bansa, sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo, batay sa katotohanang pangkasaysayan at pandaigdigang batas. Aniya, alinsunod sa prinsipyong ito, napapangalagaan, nitong ilampung taong nakararaan, ang katatagan at malayang paglalayag sa rehiyong ito.
Sa kasalukuyan, mga 60 bansa sa daigdig ang nagpapahayag ng suporta sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea.