Ipininid nitong Martes, Hunyo 14, 2016 sa Yuxi ng lalawigang Yunnan, Tsina ang espesyal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN.
Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 15, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na napalalim ng nasabing pagtitipon ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng Tsina at mga bansa ng ASEAN. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng dalawang panig. Ani Lu, binigyang-diin ng pulong na ang isyu ng South China Sea ay may-kinalaman sa Tsina at iilang bansa ng ASEAN lamang, sa halip ng Tsina at buong ASEAN. Samantala, ito aniya'y isang bahagi lang ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at hindi kabuuan ng relasyong ito.