Kaugnay ng umano'y "Pribadong pagtatagpo" kamakailan sa pagitan nina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Da Lai Lama ng Tibet, Tsina, ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 16, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang anumang pakikipag-ugnayan ng isang lider Amerkano kay Da Lai Lama, sa anumang pangangatwiran, ay lumalabag sa pangako ng Amerika na kikilalanin ang Tibet bilang isang bahagi ng Tsina at di-susuportahan ang kasarinlan ng Tibet. Ang nasabing aksyon aniya'y hindi lamang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, kundi makakasama sa pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika. Hinihimok aniya ng Tsina ang Ameirka na suspendihin ang katulad na aktibidad para pangalagaan ang malusog na relasyong Sino-Amerikano.
Nang mabanggit ang kasalukuyang kalagayan sa relihiyon at kultura ng Tibet, ipinahayag ni Lu na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang isakatuparan ang mapayapang liberasyon at pag-unlad sa Tibet, walang tigil na umuunlad ang lipunan at kabuhayan dito. Aniya, ang mga ito ay nakikita ng sinumang may obdiyektibong atityud at pananaw.