WALANG pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at suspendido ang klase sa Metro Manila dahil sa sama ng panahong dulot ng habagat.
Ayon sa isang memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at sa patuloy na sama ng panahong dala ng bagyong si "Butchoy", suspendido na ang pasok sa mga tanggapan at klase sa lahat ng antas mula ala-una ng hapon kanina.
Tuloy naman ang trabaho ng mga nasa ahensyang naghahatid ng basic at health services, preparedness at tugon sa sama ng panahon at kalamidad at ipa pang mahahalagang tanggapan.
Ang suspension ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya, tanggapan at paaralan ay na sa poder na ng kani-kanilang mga pinuno.