Ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 11, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nakatakdang pagtatalaga ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD), anti-ballistic missile system sa Timog Korea ay hindi makakatulong sa katatagan ng Peninsula ng Korea, at makakasama rin sa interes ng Tsina sa larangang panseguridad at estratehikong pagkabalanse ng rehiyon. Tinututulan aniya ng Tsina ang mga ito.
Samantala, ipinahayag din ng mga kongresita, partidong oposisyon at mga mamamayan ng Timog Korea ang pangamba at pagtutol sa naturang plano. Ipinalalagay nilang magdudulot ito ng mga problema sa larangan ng seguridad at pangangalaga sa kapaligiran.