Ipinahayag kamakailan ng Ministring Panlabas ng Kambodya na ang arbitrasyong unilateral na isinumite ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea(SCS) ay bagay lamang sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, at hindi buong Association of South East Asian Nations(ASEAN) at Tsina. Anito, hindi makikisangkot ang Kambodya sa anumang komong paninindigan na may-kinalaman sa resulta ng naturang arbitrasyon.
Kaugnay nito, ipinahayag, Hulyo 11, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay ikatlong ulit nang pagpahayag ng Kambodya hinggil sa makatarungang paninindigan nito tungkol sa isyu ng SCS, nitong 30 araw na nakararaan. Ani Lu, ang atityud ng Kambodya ay naka-ayon sa pangangalaga sa dignidad ng Pandaigdigang Batas at Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea(DOC), na magkasamang narating ng Tsina at 10 bansa ng ASEAN. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pangangalaga sa komong interes ng Tsina at ASEAN, kundi rin sa katatagan, seguridad at kasaganaan ng nasabing karagatan.