|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi Martes, Hulyo 19, 2016, ni Zhang Junshe, mananaliksik ng Instituto ng Akademiyang Militar ng Hukbong Pandagat ng Tsina, na sa katwirang pangalagaan ang "kalayaan sa paglalayag," madalas na isinasagawa kamakailan ng ilang bansang gaya ng Amerika ang ensayong militar sa South China Sea. Sa katotohanan, ito ay nagpapaigting lamang ng situwasyon, at walang anumang problema sa "kalayaan sa paglalayag" sa nasabing karagatan, aniya.
Ginanap Lunes, Hulyo 18, 2016, sa Singapore ang "Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development. " Sa isang preskong idinaos Martes, Hulyo 19, sinabi ni Zhang na sa katunayan, halos isang daang libong bapor ang dumaraan sa South China Sea bawat taon, at hindi naaapektuhan ang kanilang paglalayag. Ang umano'y "kalayaan sa paglalayag" ay kailanma'y hindi problema, aniya pa.
Idinagdag pa niya na ang mga isinagawang ensayong militar ng Amerika, Hapon, at iba pang bansa, ay may napakalaking probokasyon. Wala itong anumang positibong katuturan para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, ani Zhang.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |