Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fiesta Pinoy, masayang idinaos sa Shanghai

(GMT+08:00) 2017-06-19 11:09:03       CRI

Bilang pagdiriwang sa Ika-119 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, idinaos Hunyo 18, 2017 sa Dai-ichi Electronics compound ang isang masayang pistang Pinoy. Dumalo sa aktibidad ang mga Pilipino communities mula sa Shanghai, Zhoushan, Anhui, Hubei at Jiangsu.

Sa kanyang opening remarks binanggit ni Consul General Wilfredo Cuyugan ang apat na mahahalagang landmarks sa kasaysayan ng Pilipinas. Una ang pagdiriwang ngayong taon ng Ika 119 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas; ikalawa ang pagsusulong ng independent foreign policy na batay sa mutwal na paggagalangan at pagtitiwalaan sa mga kapitbansa na kinabibilangan ng Tsina; ikatlo ang pagpupugay sa mga mga Pilipinong nasa Shanghai na nagpupunyagi para sa mas mabuting pamumuhay at panghuli ang pagkilala sa mga negosyanteng Tsinoy na siyang katuwang sa pagpapaigting ng mabuting ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

119 na taon makalipas makamit ng bansa ang kasarinlan, ani Consul General Cuyugan, kasalukuyan marami pa ring pagsubok ang kinakaharap ng Pilipinas kabilang ang problemang lakip ng kahirapan, di-pagkakapantay-pantay at korupsyon.

Ngunit, tiwala siya na sa tulong ng independent foreign at economic policy ni Pangulong Rodrigo Duterte, makalalaya rin ang bansa sa tanikalang dulot ng pagsandig sa nakagawiang "mga kaibigan ng bansa."

Aniya pa, ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Dai-ichi, kumpanyang Pilipino sa Shanghai ay isang bunga ng pagkalas ng Pilipinas at pagtulak nito ng nagsasariling polisiyang panlabas.

Bilang pagtatapos, hinimok niya ang mga Pilipinong dumalo sa aktibidad na magkaisang harapin ang mga pagsubok at suportahan ang bagong simulang isinasagawa ng bansa. At inulit din ni ConGen Cuyugan ang ipinahayag na lubos na pasasalamat sa Tsina ni Pangulong Duterte para sa pagmamahal at pag-agapay upang malampasan ang mga kahirapan ng buhay.

Taon-taon magkakatulong na inoorganisa ng Filipino Community sa Shanghai (FilComSha) ang mga aktibidad para ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan. Katuwang nito ang konsulado, mga kumpanyang Pilipino sa Shanghai, iba't ibang samahan tulad ng mga propesyonal at musikero, maging ilang mga NGOs.

Ngayong taon, may samu't saring gimik kabilang ang Santacruzan, booth na mga paninda, tugtugan ng mga bandang Pinoy at ang pinakaaabangang raffle ng malalaking papremyo.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera at Ernest
Editor: Jade
Web editor: Frank

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>