Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Santacruzan sa Shanghai, inabangan at pinagkaguluhan

(GMT+08:00) 2017-06-19 15:16:47       CRI

Sa Pilipinas, kapag may pista lalo na sa buwan ng Mayo, hindi puwedeng mawala ang Santacruzan, isang festival ng mga deboto ng Birheng Maria.

Nitong nagdaang Linggo, Hunyo 18, 2017, isa sa mga tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng Ika-119 na Araw ng Kalayaan sa Shanghai, ginanap ang kiddie Santacruzan.

Napili bilang Reyna Elena si Meg Addison Q. Santos, at si Carl Benedict dela Pena naman ang kanyang naging consorte at gumanap bilang Constantine. Kapwa 7 taong gulang ang mga bata at sila'y mag-aaral ng International Philippine School Shanghai (IPSS).

Bukod sa Santacruzan, hinarana din ni Carl, kasama ang iba pang mga mag-aaral ng IPSS ang mga panauhin ng mga awiting Molihua at Bayan Ko. Ang Molihua na nangangahulugang Jasmine ay isang kilalang kilalang awiting Tsino at inawit ito ng mga estudyante ng IPSS sa wikang Tsino.

Sa panayam ng China Radio International Filipino Service, ikinuwento ni Gemelyn Santos, ina ni Meg na huling pangalan na ipinasok ang kanyang anak sa pagpili, at sinuwerte pang mabunot para gumanap bilang Reyna Elena.

Sinabi ni Meg, "Masarap ang pakiramdam na maging reyna na may partner para sa Araw ng Kalayaan. Gusto ko ang pink na gown. Sabi ng mga kaibigan ko maganda ako. "

Ito ang kauna-unahang Santacruzan na nakita ni Meg dahil lumaki siya sa Shanghai.

First time ding sumali ng pamilya dela Pena sa Santacruzan sa Shanghai. Excited ang buong pamilya nang mapili bilang Constantine si Carl. Ani Carl, "I feel happy and great!"

Ibinahagi ni Gerame dela Pena, na habang pinapanood ang anak na kumakanta sa stage halong kaba at pagmamalaki ang kanyang naramdaman.

Sa kabuuan sang-ayon ang mga magulang na isang magandang karanasan para sa kanilang mga anak na sumali sa ganitong aktibidad upang sa murang edad ay pahalagahan nila ang mayaman at makulay na kulturang Pilipino kahit malayo sa tinubuang-lupa.

Taon-taon magkakatulong na inoorganisa ng Filipino Community sa Shanghai (FilComSha) ang mga aktibidad para ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan. Katuwang nito ang konsulado, mga kumpanyang Pilipino sa Shanghai, iba't ibang samahan tulad ng mga propesyonal at musikero, maging ilang mga NGOs.

Ngayong taon, may samu't saring gimik kabilang ang Santacruzan, booth na mga paninda, tugtugan ng mga bandang Pinoy at ang pinakaaabangang raffle ng malalaking papremyo.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera at Ernest
Editor: Jade
Web editor: Frank

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>