Sa Pandaigdig na Araw ng Kababaihan, kinumusta kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga babae.
Sa kanyang pagdalo sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Henan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan, ipinahayag ni Xi ang pagbati sa mga babaeng deputado sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan, mga babaeng kagawad sa sesyon ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino, mga tauhang babae sa dalawang sesyong ito, at ibang mga babae ng buong bansa.
Sinabi rin niyang, ang bawat babae ay dapat magkaroon ng pagkakataon para sa maligayang pamumuhay at pagsasakatuparan ng pangarap.
Salin: Liu Kai