Sa kanyang pagdalo kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Henan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat igiit ang pagpapanatili ng 120 milyong hektaryang sinasakang lupain, bilang baseline ng food security ng bansa.
Ani Xi, ito ay paggarantiya sa suplay ng mga pangunahing produktong agrikultural, lalung-lalo na ng mga pagkaing-butil. Ito rin ay priyoridad ng estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan, dagdag niya.
Salin: Liu Kai