Beijing — Ipinahayag Miyerkules, Marso 20, 2019, ni Vladmir Norov, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na magkapareho ang "Belt and Road" Initiative at layunin at prinsipyo ng SCO. Aniya, ang koneksyon ng nasabing inisyatiba at mga planong pangkaunlarang kinabibilangan ng Eurasian Economic Union, ay mabisang nakakapagpasulong sa kooperasyon ng mga kasaping bansa ng SCO.
Ipinagdiinan din niya na sa aspektong gaya ng pagpapasulong ng pag-uugnayan ng "Belt and Road" Initiative at planong pangkaunlaran ng iba't-ibang bansa, at pangangalaga sa kaligtasan at katatagang panrehiyon, napapatingkad ng SCO ang mahalagang papel. Ito aniya ay nakakapagbigay ng garantiya sa pagpapasulong ng kasaganaan at kaunlaran ng mga kasapi nito.
Salin: Li Feng