Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina, mahinahon at makatarungang gaganti sa trade hegemonism

(GMT+08:00) 2019-08-27 16:02:07       CRI

Kaugnay ng pagpapatalastas ng panig Amerikano na ipapataw ang 10% karagdagang taripa sa mga inaangkat na paninda mula sa Tsina na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong dolyares, sapilitang inilunsad kamakailan ng Tsina ang konkretong ganting-hakbangin. Ang kinakailangang ganting-hakbanging ng Tsina na itinakda batay sa kaukulang batas at alituntunin ng Tsina at simulain ng pandaigdigang batas ay humamon sa hegemonistikong kaisipan ng ilang tao sa Amerika. Sa tingin nila, kung ipapataw ng Amerika ang karagdagang taripa sa sinuman, dapat yumukod siya, sa halip ng pagganti. Ang ganitong hegemonistikong lohika na ang katangian nito'y unilateralismo at proteksyonismo ay ekstrimistikong nanghahamak at sinadyang nakakasira sa pandaigdigang batas at kaayusang pandaigdig.

Diin ng komentaryo, ang kasalukuyang lipunan ng sangkatauhan ay hindi pinangangasiwaan ng batas sa gubat. Ang multilateralismo, kooperasyon at win-win situation ay di-mahahadlangang tunguhin ng kasaysayan. Dahil dito, buong tatag na gumanti ang maraming trade partner ng Amerika sa trade war na inilunsad ng ilang Amerikano sa buong daigdig.

Dagdag ng Komentaryo, matatag at malinaw ang pakikitungo ng panig Tsino sa trade war: ayaw ng Tsina na ilunsad ang trade war, pero hindi ito natatakot na sapilitang gumanti. Nakahanda ang panig Tsino na resolbahin ang mga problema, batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan, pero hinding hindi yuyukod ito sa mga mahalagang isyung pamprinsipyo, at hinding hindi yuyukod din sa anumang extreme pressure.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>