|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
|
melo20130925.m4a
|
ITINUTURING na ng United Nations Resident and Humanitarian Coordinator sa Pilipinas ang nagaganap sa Zamboanga at kapaligiran na isang humanitarian crisis sapagkat libu-libong tao ang nawala sa kanilang mga tahanan.
Ayon ky Luiza Carvalho, nababahala siya sa kalagayan ng mga nawalan ng tahanan at pagkakakitaan. Sa isang pahayag, sinabi ni Bb. Carvalho na lubha siyang nangangamba sa nagaganap Zamboanga at sa lumalaking pangangailangan ng mga mamayan na napagitna sa kaguluhan. Lubhang ikinababahala niya ang pinakanamimiligro, ang mga kababaihan at mga bata.
Nangangamba si Luisa Carvalho ng United Nations Development Program sa humanitarian crisis sa Zamboanga at Basilan. Sa kanyang pahayag nakakabahala ang pagkakaroon ng higit sa 100 libong evacuees na maaaring magkasakit sa pagsasama-sama sa evacuation centers. (File Photo ng UNIC/UNDP)
Ang nagaganap na standoff sa pagitan ng isang grupo ng mga Muslim na kaalyado ni Nur Misuari sa Moro National Liberation Front at ng pamahalaan ang ikinasawi na ng 132 katao at mayroong 158,000 katao ang apektado at may 10,000 mga tahanan ang napinsala.
Idinagdag pa ni Bb. Carvalho na may 109,000 katao ang apektado sa Zamboanga samantalang mayroong 19,000 naman ang apektado sa Basilan. Hirapan umanong manirahan ang may 70,000 katao sa isang sports complex sa Zamboanga City. Kulang umano ang sanitation facilities at malaki ang posibilidad na magkaroon ng problema sa kalusugan dala ng pagkain, tubig na maiinom. Health services, mga kagamitan sa pagluluto, mga tolda at iba pang pangangailangan.
Idinagdag pa niyang napapanahong tulungan ang mga napagitna sa kaguluhan sa Zamboanga at Basilan. Samantalang may ginagawa ang pamahalaan upang mapangalagaan ang mga walang kinalamang mamamayan sa gulo. Suportado umano ng humanitarian community ang mga nagagawa na ng gobyerno.
Nanawagan si Bb. Carvalho sa lahat na kilalanin ang principles of impartiality, humanity, neutrality at independence na napapaloob sa International Humanitarian law.
Umaasa si Carlvaho na ang lahat ng humanitarian workers na tumutulong sa mga biktima at mananatiling ligtas at iginagalang at titiyakin ng magkabilang panig ang kanilang kaligtasan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |