|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Merchandise imports lumago
UMABOT sa 8.7% ang inilago ng merchandise imports at nakarating sa $ 5.5 bilyon noong nakalipas na Hulyo kung ihahambing sa natamo noong nakalipas na Hulyo ng 2012.
Ito ang balita ng National Economic and Development Authority ngayong Miyerkoles. Ang import value ng mga kagamitan at aksesyorya na tumaas ng 119.9% noong Hulyo at kinakitaan ng 34.9% growth sa semi-processed raw materials.
Ayon kay Deputy Director General Rolando Tungpalan nakikita ang magandang prospects sa export-oriented electronics industry para sa nalalabing mga buwan ng 2013. Nagkaroon ng moderate growth sa pandaigdigang pamilihan ng semiconductor para sa taong 2013, dagdag pa ni G. Tungpalan.
Ang electronics exports ay nakabawi noong Hulyo 2013 na mayroong annual growth na 11.2% matapos ang sunod-sunod na pagbaba mula noong Disyembre 2012.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |