|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bureau of Immigration, nagsisiyasat na
MAY ginagawang pagsisiyasat ang Bureau of Immigration sa mga balitang lumabas na mataming mga Tsino ang illegal na pumasok ng bansa at nagtatrabaho bilang mga construction worker sa Batangas at Bataan.
Sinabi ni Atty. Siegfred Mison, officer-in-charge ng tanggapan na aalamin niya ang katotohanan sa pahayag ng Trade Union Congress of the Philippines na may mga banyagang nagtatrabaho sa bansa ng walang permiso at visa.
Aalamin umano ng kanyang tanggapan ang impormasyon at hindi mag-aatubiling gamitin ang batas sa mga sangkot sa illegal na gawain.
Kumpirmado ni Mison ang pahayag ng TUCP na nawawala ang pagkakataong magkatrabaho ng mga Pilipino sa pagpasok ng mga banyaga.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |