|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ilog sa Zambales, huhukayin
ISASAGAWA ng Department of Public Works and Highways ang paghuhukay ng Kalaklan river sa Zambales upang maiwasan na ang pagbaha sa lalawigan.
Iniutos ni Kalihim Rogelio L. Singson (ng Department of Public Works and Highways) kay Director Antonio V. Molano, Jr. na ihanda ang mga palatuntunang magpapatupad ng proyekto upang maisaayos ang pondo at makakuha ng mga kontratista at masimulan ang trabaho.
Sa nakalipas na ilang buwan, sa pagdaan ng malalakas na bagyo, nagkaroon ng malawakang pagbaha sa hilaga at gitnang Luzon na kinabibilangan ng Olongapo City at ilang bayan ng Zambales.
Paluluwagin umano ang bibig ng Kalaklan River at aalisin ang lahar at sandbar sa pamamagitan ng dredging upang dumaloy ang tubig patungo sa karagatan. Hindi lamang lahar mula sa Mt. Pinatubo kungdi may mga pagguho ng lupa, putik, bato at iba pa mula sa ibang bundok.
Kamakailan, binanggit na ng pamahalaan na ipagbabawal na ang dredging sa gagastusan ng Priority Development Assistance Fund o PDAF na nasa gitna ng kontrobesya ngayon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |