|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim del Rosario, umalis patungo sa United Nations
UMALIS kaninang umaga si Kalihim Albert F. del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas upang dumalo sa pagsisimula ng 68th Session ng United Nations General Assembly. Tema ng pagtitipon ang "Post – 2015 Development Agenda: Setting the Stage." Layunin ng pagtitipon na simulan ang masiglang pagkilos upang matiyak ang kaunlaran sa pagtatapos ng Millennium Development Goals sa taong 2015.
Kanyang ipararating ang pahayag ng Pilipinas sa United Nations General Assembly high-level General Debate sa huling araw ng Setyembre. Ang kanyang pahayag ay naglalaman ng karanasan ng Pilipinas sa mga natutuhang leksyon upang matamo ang walo sa Millennium Development Goals at ang mga panukala ng Pilipinas kung ano ang magiging mukha ng post-2015 development agenda. Kabilang sa mga paksang may kinalaman sa migration, peace and security at disaster risk reduction.
Bukod sa kanyang paglahok sa General Debate, makakausap din niya ang mga Foreign Minister ng ASEAN, kasama rin si UN Secretary General Ban Ki-moon, 68th General Assembly President John William Ashe at US Secretary of State John Kerry.
Magkakaroon din ng oportunidad si G. del Rosario na magsalita sa mga Amerikano at Pilipinong mangangalakal sa New York sa US-Philippine Society Gala dinner sa New York Stock Exchange sa Biyernes, ika-27 ng Setyembre.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |