|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Talaan ng mga nawalan ng tahanan isinasaayos na
GINAMITAN na ng teknolohiya ang pag-aayos ng talaan ng mga naging biktima ng kaguluhan sa Zamboanga City sa pamamagitan ng pagpapasok ng lahat ng impormasyon sa isang database.
Ayon kay Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Department of Social Welfare and Development, ang datos ng internally displaced persons ay kailangan upang masuri ang kanilang mga pangangailangan at magkaroon ng maayos na mga palatuntunan.

Inilalagay na sa database ang impormasyon sa internally displaced persons sa Zamboanga. Ito, ayon kay Kalihim Corazon Juliano Soliman ay upang matiyak ang pangangailangan ng mga evacuees ayon na rin sa kanilang kultura. (DSWD Contributed Photo)
Ang tulong na ipararating ay ayon sa kanilang pangangailangan at sa kanilang kultura. Ang kanilang database ay naglalaman na ng profiles ng 13,165 na pamilya o may 67,198 katao. Nagsimula ang encoding noong ika-16 ng Setyembre sa Western Mindanao State University. Mga volunteer at mga propesor ng WMSU ang tumulong sa mga mga tauhan ng Information Technology ng DSWD Region 9. Magpapatuloy ang encoding hanggang matapos maitala ang pinakahuling karagdagan sa listahan.
Kasama sa datos ang tala tungkol sa mga pinaka-abang biktima, mga nagdadalang-tao, biktima ng sunog, mga taong may kapansananan, nagpapasusong kababaihan at mga maybahay. Mayroon na ring tala para sa mga senior citizens at mga bata.
Mayroon na ring color-coding para samga evacuees. Ang Yellow cards ay para sa mga evacuees na naninirahan sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex o Grandstand. Ang Blue cards ay para sa mga naninirahan sa iba pang evacuation centersc at ang Pink Cards ay para sa mga evacuees na nakikitira sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |