Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Pilipinas at Tsina, masigla

(GMT+08:00) 2013-10-23 19:11:15       CRI

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na maganda ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina. Sa katatapos na Presidential Forum with FOCAP, ipinaliwanag niyang umuunlad ang relasyon sa larangan ng kalakal at turismo.

Hindi umano nakasalalay ang relasyon ng dalawang bansa sa hindi pagkakasundo sa isyung ng karagatan at teritoryo. Ikinatuwa niya ang kanilang pag-uusap ni Chinese Premier Li Keqiang sa sidelines ng ASEAN summit sa Brunei kamakailan.

Ani Pangulong Aquino, walang anumang nagbago sa paninindigan ng magkabilang panig sa isyu ng soberenya.

PANGULONG AQUINO, HUMARAP SA MGA BANYAGANG MAMAMAHAYAG.  Maganda ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina sa larangan ng kalakal at turismo.  Ito ang kanyang pahayag sa ikatlong Presidential Forum with FOCAP sa Manila Hotel kanina.  Dumalo rin ang kasapi ng diplomatic corps sa pagtitipon.  (Mga larawan ni Raymond Bandril)

Naging maganda ang kanilang pagkikita. Si Premier Li umano ang nagsimula ng kanilang pag-uusap. Mabuti na umano ang kanilang pag-uusap kahit walang nagbabago sa kani-kanilang posisyon, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Niliwanag din ni Pangulong Aquino na anumang commercial deal hinggil sa oil exploration ay nararapat tumugon sa mga batas ng Pilipinas. Ang pook na pinagtutuunan ng pansin ng Forum Energy at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at ang anumang eksplorasyon ay nararapat tumugon sa batas ng bansa.

Samantala, idinagdag pa ni Pangulong Aquino na kailangang magkaroon ng susunding code of conduct sa mga ikikilos ng mga bansang naghahabol sa South China Sea. Ikinatuwa niya na ang Tsina ay sumang-ayon na makipag-usap sa ASEAN sa pagbuo ng Code of Conduct. Nararapat umanong ipagbunyi ang pagsisimula ng mga talakayan kahit hindi sa formal portion ng negosasyon kungdi sa pagbuo ng COC. Nagsisimula na umanong maupo at kailangang ipakita ng bawat isa ang pagtutulungan upang mabuo ang Code of Conduct na siyang magbabawas ng tensyon sa karagatang napakaraming pangalan.

Nararapat lamang manatili ang status quo tulad ng nilalaman ng 2002 Declaration on the Conduct of parties in the South China Sea na nagsasabing walang anumang bagong instalasyon ang nararapat ilagay sa pinagtatalunang mga pook. Nagkataon nga lamang na ang DOC ay hindi legally binding.

Sa pagsunod na lahat sa DOC ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng status quo.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>