Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Pilipinas at Tsina, masigla

(GMT+08:00) 2013-10-23 19:11:15       CRI

Pangulong Aquino, ibinalita ang kaunlarang natamo sa ekonomiya

SINABI ni Pangulong Aquino na malaki ang naitulong na stimulus program ng pamahalaan sa kaunlaran. Sa kanyang opening statements sa katatapos na Presidential Forum with the Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Manila Hotel, binigyan niya ng diin ang 1.3% points na naiambag nito sa Gross Domestic Product growth sa 4th quarter ng 2011. Nakatulong ito sa pagpapasigla ng ekonomiya hanggang ngayon.

Noon umanong 2012 at lumago ang ekonomiya ng 6.8% at umabot sa 7.6% sa unang bahagi ng 2013. Ang pangyayaring ito ay humigit pa sa forecasts ng iba't ibang mga dalubhasa.

Ikinagalak din niya ang upgrade sa World Economic Forum Competitive Rankings at natamo ang ika-59 na puesto matapos lampasan ang may 26 na baytang sa nakalipas na tatlong taon.

Ang stimulus program umano na nagsulong ng ekonomiya ng bansa ay tinaguriang Disbursement Acceleration Program na ngayo'y pinupuna at binabatikos ng media. Nakatulong naman ang programa subalit pinununa pa rin, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Hindi napigilan ni Pangulong Aquino (ang pagpaparatang) na nagsimula ang lahat ng batikos laban sa DAP kasunod na pagpapaabot ng mga usapin sa Office of the Ombudsman laban sa ilang mga tanyag na mambabatas.

Sinabi ni Pangulong Aquino na walang puwang ang media na magtuon ng pansin sa mga maling isyu.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>