Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Pilipinas at Tsina, masigla

(GMT+08:00) 2013-10-23 19:11:15       CRI

Bagong investments, lumago ng 25%

LUMAGO ANG KALAKAL NA DUMAAN SA BOARD OF INVESTMENTS.  Sinabi ni Trade Undersecretary Andrian "Che" Cristobal, Jr. na nadagdagan ang mga kalakal na nakapasa sa kanyang tanggapan mula Enero hanggang Setyembre ng 2013.  (DTI File Photo)

UMABOT sa P 309.7 bilyon ang investment approvals na dumaan sa Board of Investments mula Enero hanggang Setyembre ng 2013. Kinakitaan ito ng 25% increase mula sa P 248.2 bilyon noong nakalipas na taon.

Ayon kay Trade Undersecretary Adrian "Che" Cristobal, Jr., nagmula ang karamihan ng investments sa mga mangangalakal ng Pilipino at natamo ang P 258.7 bilyon. Mayroon itong 12% increase sa P 230.5 bilyon samantalang lumago rin ang halaga ng ipinangakong foreign investments sa halagang P 51 bilyon mula sa P 17.9 bilyon noong 2012. Nagkaroon ito ng 185% increase.

Nanguna sa talaan ng mga banyagang mangangalakal ang Estados unidos na nangakong maglalagak ng P 41.7 bilyon o 82% ng buong investments mula Enero hanggang Setyembre ng 2013. Ang mga investments ay ang itatayong kalakal ng GNPower Limited sa 600 Megawatt power project sa Bataan.

Mayroon ding P 2.2 bilyong kalakal ang South Korea sa Mirae Asia Energy Corporation sa Ilocos Norte na nagkakahalaga ng P 803 milyon at ang Daesang Ricor Corporation glucose syrup project sa Cagayan de Oro City. May inilaan din ang Australia na P 1.79 bilyon. May ambag din ang Australia na P 1.79 bilyon sa pamamagitan ng Mindanao Mineral Processing and Refining Corporation sa pagpapalawak ng kanilang exports para sa paggawa ng gold bullion kasama ang iba pang metal contents sa Agusan del Sur.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>